23.4.08

minsan ako'y na-flip, nagsulat ako ng sanaysay

puso, pag-ibig at pacemaker

ang puso. isang bampirang piraso ng laman sa pagitan ng ating mga baga.. isang pasaway na voluntary muscle, kusang gumagalaw, hindi puwedeng utusan, hindi puwedeng pigilan.demonyo at anghel at da seym taym. kaya nitong palabasin ang halimaw na may pitong buntot mula sa katauhan ng isang madaldal na batang ninja. kapag tinopak naman ay nangangako sa sariling hihintayin ang kometang hindi kailanman darating, sa ngalan ng nampuchang napakatamis pero madalas may konting anghang at pait na pag-ibig.. ang puso, amputik.. parang laging nagpapakamatay, walang pakialam.. bayani.. martir.. tanga.. ...aztig.

ang pag-ibig ay isang matandang mangkukulam na nakasakay sa isang mabilis na engkantarantadong pedicab at mahilig managasa ng kung sinu-sino. paborito nitong biktima ang mga walang ginagawa, magkaibigan, magkaklase, mga nalulungkot, at mga musmos. hindi mo naman maiwasan dahil sumusulpot na lang bigla, hindi mo alam nakaapak ka na pala ng echas.. gagung tae, hindi naman iniwasan ang tsinelas mo. alipin pa ng pag-ibig ang gago mong atay at ulitin ko- ang namputik mong puki ng inang puso. at kung hindi mo pa alam, illegitimate child ng pag-ibig ang puso, at hindi the ader wey around.. sino ang tatay? secret..


eh ano ang kinalaman ng pacemaker dito? secret din..

10.4.08

okinashet..

sa tindi ng mga balita ngayon lalo na ang pagtaas ng presyo ng bigas, gasolina at karne di mo mapipigilan ang tumigil, tumingin sa kawalan, mapa-buntonghininga, umutot habang nakapikit at mag-isip.. okey lang na magtaasan ang lahat wag lang dumating ang panahon na itak at shotgun na ang nakataas, sigurado aakyat sa lalamunan ang nag-iitimang bayag kahit ng mga pinaka-siga-sigahang burdado't burdada, including mga burdede. suwerte ng mga pokpok dahil kahit dalawampiso na ang sigarilyo nilang philip ay hindi naman ito iniiksihan, mahaba pa rin.. nakakatakot isipin na baka pati condom ay mapag-tripan nilang iksihan ang sukat in the name of pagtitipid at pakiisa sa naghihirap na sambayanang pilipino. wag naman sana.. siguro pwedeng ibalik sa piso ang presyo ng pandesal pero hanggang tingin ka lang, idi-display sa mukha mo in your pakin' peys sa loob ng isang naghihingalo'ng minuto habang nire-recite ng tindera'ng model ng extraderm ang mantra'ng "isipin mo na lang ham yan, isipin mo na lang kinakain mo yan.." tsaka ka sasabihan: "ading tapos na isang minuto mo, balik ko na sa istante ha?"
pero bakit ganun, ang hahaba pa rin ng levi's? kailangan mo pa paputulan para lang sumakto sa sakong mo? hindi ba sila kaisa sa pagtitipid in the name of the rising pabertii??
nangangarap ang bawat pilipino na tumaas ang sahod hanggang isandaang libo kada buwan pero mas mabilis tumaas ang halaga ng mga bilihin, shet.. chet.. okinashet.. mas masarap na nga magmura eh.. wala nga lang lasa pero ansarap bumitaw, kahit paano nakakaginhawa sa baga at lalamunang sakal na sakal na..

16.3.08

hawla shet

semana santa na naman. pero hindi pa rin nagkakaroon ng kaganapan ang pangarap ni lola na tubuan ako ng heylo. ayoko naman maging santo, parang ampanget kasi tingnan na niluluhuran ng mga mananampalataya ang isang rebultong hindi pares ang sapatos, may tangan na bolpen at handang manaksak ng pulitiko anumang oras anytime pag nagkataon.

sinusunod ko ang bilin ni lola na huwag umakyat ng punong bayabas pero aminin ko natukso ako minsan na kumain ng karne'ng baboy dahil sabi ng kaibigan ko "isipin mo na lang pish yan!"
ang hindi lang maipaliwanag ng cerebral cortex ko ay kung bakit hindi raw pwede maligo sa good friday. paano mo ito tatawaging good friday kung magiging malufet ka sa kapuwa mo sa pamamagitan ng hindi paliligo lalo pa't may balak kang sumimba at maghanap ng bebot??

naalala ko ng minsang nakipag-debate ako sa isang pastor..

ako: naniniwala po ba kayong galing tayo lahat sa bakulaw?
(umalis ka na.. manunuod pa ko ng NU rock awards sa TV..)
siya: ayon sa banal na kasulatan, sa aklat ng henesis..
ako: eh di ba wala namang nakasaksi niyan?
(sige nah.. mag-uumpisa na..)
siya: ang patnugot ng henesis ay may patnubay ng..
ako: pero galing tayo sa bakulaw??
siya: kahit yan ay hindi pa napapatunayan ng agham at..
ako: at galing ang mga bakulaw sa single-celled organisms?
(bilis, umaangat na puwet ko..)
siya: hijo, ang..
ako: na galing sa isang malaking tipak ng bato?
siya: eh..
ako na naman: na nagmula sa kalawakan?
ako pa rin: duon oh..
(mahaba talaga ang pasensya ng matanda. ako, lumalaki na ang butas ng ilong, umiikot na ang paningin, nire-ready ang hintuturo para mangulangot na lang at isawalang kibo ang tiyaga't kakulitan ng matanda)

to shorkat da long istori short, walang no choice ang pastor kundi pakawalan ako dahil ininvoke ko ang E.O.464.
hindi naman talaga ko pasaway pero minsan nagliliwaliw sa kukote ko ang sinabi ng isang sayantis na hindi nagsha-shampoo:
"religion without science is blind, science without religion is lame"
di ba, di ba..
di ko yata naintindihan pero maganda pakinggan.

14.3.08

liyabe

tanginang lozada at madriaga, tanginang ZTE yan, wala na bang mapapanood sa tv bukod sa kamandag at scams? tusukin ko ng bolpen mga mata ninyo eh.. tsaka ko isawsaw sa sukang may sili at sibuyas. pare-pareho lang naman kayong mga sinungaling. dog eat dog lang yan.. ayoko sana kayong patulan kaso naa-apektuhan na ang paglalaro ko ng getamped arrgghh! gusto ko maging dragon na ang rank nung character ko! inaamag pa rin ang utak ko gang ngayon wala ako sa mood mag-isip, o di kaya nawalan na ko ng kakayahang mag-isip dahil anliliit na ng pandesal na kinakain ko sa umaga at mukhang punum-puno ng bromate. sige gang dito na lang muna.

15.2.08

harry potter, bob ong at angel locsin

kahapon habang nanunuod ako ng transformers, nakikinig ng "god knows hudas not pay" ng bamboo, naglalaro ng alien vs. predator, kumukuha ng pictures, gumagawa ng pelikula, nagre-record ng tunog ng sarili kong utot para gawing ringtone, nagbro-browse, nagtetextwist, nagvi-videoke, nag-eencode, nagpri-print, nagwi-withdraw, nagpa-pacute, nagte-text, tumatawag at nagtitimpla ng kape gamit ang ztig at nampuchang N3530 ko ay may batang lumapit sa akin. sabi niya palitan ko na daw ang blog ko (huwag i-klik) sabay tutok ng poltipayb sa sentido ko. wala akong nagawa kundi pumayag at sumunod kaya heto ako ngayon, sa bago kong blog.

walang kinalaman ang pamagat sa nilalaman ng post na ito. nilagay ko lang ito para maligaw ka sa blog ko pag tinayp mo ang harry potter, bob ong at angel locsin sa google search box. ang talino ko talaga.