semana santa na naman. pero hindi pa rin nagkakaroon ng kaganapan ang pangarap ni lola na tubuan ako ng heylo. ayoko naman maging santo, parang ampanget kasi tingnan na niluluhuran ng mga mananampalataya ang isang rebultong hindi pares ang sapatos, may tangan na bolpen at handang manaksak ng pulitiko anumang oras anytime pag nagkataon.
sinusunod ko ang bilin ni lola na huwag umakyat ng punong bayabas pero aminin ko natukso ako minsan na kumain ng karne'ng baboy dahil sabi ng kaibigan ko "isipin mo na lang pish yan!"
ang hindi lang maipaliwanag ng cerebral cortex ko ay kung bakit hindi raw pwede maligo sa good friday. paano mo ito tatawaging good friday kung magiging malufet ka sa kapuwa mo sa pamamagitan ng hindi paliligo lalo pa't may balak kang sumimba at maghanap ng bebot??
naalala ko ng minsang nakipag-debate ako sa isang pastor..
ako: naniniwala po ba kayong galing tayo lahat sa bakulaw?
(umalis ka na.. manunuod pa ko ng NU rock awards sa TV..)
siya: ayon sa banal na kasulatan, sa aklat ng henesis..
ako: eh di ba wala namang nakasaksi niyan?
(sige nah.. mag-uumpisa na..)
siya: ang patnugot ng henesis ay may patnubay ng..
ako: pero galing tayo sa bakulaw??
siya: kahit yan ay hindi pa napapatunayan ng agham at..
ako: at galing ang mga bakulaw sa single-celled organisms?
(bilis, umaangat na puwet ko..)
siya: hijo, ang..
ako: na galing sa isang malaking tipak ng bato?
siya: eh..
ako na naman: na nagmula sa kalawakan?
ako pa rin: duon oh..
(mahaba talaga ang pasensya ng matanda. ako, lumalaki na ang butas ng ilong, umiikot na ang paningin, nire-ready ang hintuturo para mangulangot na lang at isawalang kibo ang tiyaga't kakulitan ng matanda)
to shorkat da long istori short, walang no choice ang pastor kundi pakawalan ako dahil ininvoke ko ang E.O.464.
hindi naman talaga ko pasaway pero minsan nagliliwaliw sa kukote ko ang sinabi ng isang sayantis na hindi nagsha-shampoo:
"religion without science is blind, science without religion is lame"
di ba, di ba..
di ko yata naintindihan pero maganda pakinggan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
natawa ako sa post na to! lol.. ano ang kaya ko? yung debate? naku naman, ngayon pa lang nanlalamig na tong kamay ko.. bwisit na propesor yun. ano na naman kaya basehan nya sa pagpili saken? lol :)
ako din natatawa ng ginagawa ko to, mukha nga kong tanga eh, lol.. oo naman, kaya mo yun! hikaw pah! pinapawisan ba kamay mo? panghugas mo daw yung panganay na wiwi mo early in da mornin hehe.. shurball yun^^,]
hi there yin! la k yta msg box?? hmmn.. nwei.. natengga means..
napabayaan..
huhu..
kita mo.. ngaun lng ako nkareply sau.. hehe..
;)
yow, man, ako ulet hehe. hulaan ko sino scientist na sinasabi mo.. si arnold clavio?
@ marga
uu wala, hehe.. di ko talaga nilagyan, nagmumukhang bulettin board eh, lol.. ang lam ko ibg sabihin ng natengga- dinale; tinira?
enwei theinx for droppin by hehehe... muah=)
se-save ko na word na to, "natengga, natengga, natengga.." parang title ng anime ah, wahaha.
ky obi:
tanamu lam ko na kung sino ka! ano kaskasan na ba? magpakita ka pare inom na!
nga pala, hindi si arnold clavio yung sayantis, boksingero yun!
si bella flores tinutukoy ko, bwahaha..
Post a Comment